DROGA, NO WAY SA DAVAO PORT Ni JOEL O. AMONGO

SA layuning paigtingin ang kampanya ng administrasyon laban sa ipinagbabawal na gamot, nagsanib pwersa ang Bureau of Customs (BOC), Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine Drug

Enforcement Agency (PDEA) para sa isang joint surveillance inspection sa karagatan upang tiyaking walang droga o anumang iligal na kargamento ang maipupuslit sa rehiyon.

Partikular na binabantayan ng Task Force Aduana na kinabibilangan ng tatlong nasabing ahensya ang Davao City Gulf hanggang sa karagatang sakop ng bayan ng Mati sa lalawigan ng Davao Oriental.

Sa ilalim kasunduan, magkatuwang na nagpapatrolya ang BOC, PCG at PDEA bilang bahagi ng pinaigting na border security measure laban sa smuggling ng illegal drugs at iba pang uri ng ipinagbabawal na kalakal na maaaring pumasok sa areas of responsibility ng Collection District XII.

Lulan ng barkong BRP Kalanggaman FPB 2024, ang mga elementong kumakatawan sa tatlong ahensya ay pumalaot sa karagatan ng Davao Gulf, Pujada Bay at Mayo Bay partikular sa karagatan na nasasakupan ng Davao Oriental.

Bantay-sarado rin ang galaw ng iba’t ibang sasak­yang pandagat at pagsasagawa ng boarding inspection sa rule-out ng posibleng pagpasok ng smuggled goods at iba pang klase ng pandaraya sa BOC.

Bagama’t negatibo pa sa anumang iligal na aktibidades ang isinagawang border patrol, babala naman ni BOC Port of Davao District Collector Erastus Sandino Austria na patuloy nilang babantayan ang mga posib­leng entry points ng mga iligal na epektos.

Sa isang pahayag, sinabi naman ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero na lalo pa nilang patatatagin ang pakikipag-ugnayan sa mga partner enforcement agencies sa layong ganap nang matuldukan ang pagpasok sa bansa ng mga iligal na kargamento – lalong-lalo na ang droga.

167

Related posts

Leave a Comment