PHOENIX AT COLUMBIAN UMESKAPO

dyip1

(NI JJ TORRES)

Mga laro sa Biyernes:

(Mall of Asia Arena)

4:30 p.m. — Columbian vs Blackwater

7:00 p.m. — Alaska vs Phoenix

 

PAREHONG umeskapo ang Phoenix Pulse at Columbian Dyip sa dikitang laro kagabi sa PBA Philippine Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Nakahirit si Jason Perkins ng dalawang free throws sa huling 7.2 seconds ibigay sa Phoenix ang 98-96 win kontra Northport.

Habang nagkatalo lang sa isang puntos ang Columbian Dyip sa paggapi sa Meralco Bolts, 86-85.

Umangat ang Phoenix sa 6-1, habang 2-3 naman ang Batang Pier.

Tinapos din ng Dyip ang kanilang three-game losing streak para sa 3-4 slates.

Bumato ng career-high na 30 puntos si Rashawn McCarthy upang pangunahan ang Dyip sa panalo matapos ang kanilang talo sa NLEX Road Warriors, Barangay Ginebra San Miguel at Alaska Aces.

Dumagdag din ng 14 puntos si Glenn Khobuntin para sa Columbian, na umangat sa pang-walong pwesto.

Umaasa si coach Johnedel Cardel na maging susi ito para mabago ang chances ng kanyang koponan na naghahangad na makapasok sa playoffs sa unang pagkakataon mula noong 2016 Governors’ Cup.

Ngunit magiging mahirap ang chances ng Columbian dahil sa napipintong mabigat na schedule nito sa Marso, simula sa laban nila sa Blackwater Elite bukas sa Mall of Asia Arena.

Makakaharap din ng Dyip ang Rain or Shine Elasto Painters, Magnolia Hotshots Pambansang Manok at TNT KaTropa.

Umangat sa 86-80 ang lamang ng Columbian matapos makabuslo ng tres si McCarthy, 2:29 ang natitira sa fourth, ngunit nakascore ng limang sunod ang Meralco, kabilang na ang tres ni Chris Newsome na nagbawas sa kalamangan ng Dyip sa 86-85.

Nagkaroon ng pagkakataon ang Meralco na manalo ngunit sumablay ang mga tira ni Baser Amer at Cliff Hodge bago tumunog ang buzzer.

Nagtapos sa 17 puntos si Newsome.

 

 

 

 

125

Related posts

Leave a Comment