BOC high-tech na rin CURRENCY SMUGGLING DI NA MAKAKALUSOT

MAS pinaigting pa ng Bureau of Customs (BOC) ang kanilang pagbabantay sa mga money laundering activities sa pagdating ng 13 units ng multi-currency bill counter (MCBC) na siyang gagamitin ng nasabing kawanihan upang mapabilis ang pagpo-proseso ng mga papasok at palabas na salapi.
Sa virtual event sa pagitan ng mga opisyales at kinatawan ng BOC at at Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), kapwa lumagda sina Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero at BSP Governor Benjamin Diokno para sa isang kasunduang magpapatibay ng ugnayan ng dalawang tanggapan ng pamahalaan sa programa laban sa money laundering.
Ayon kay Guerrero, malaking tulong ang mga donasyong high-tech gadgets ng BSP sa mga major ports of entry kung saan nakatakdang i-deploy ang mga nasabing kagamitan, kasabay ng pagtitiyak sa angkop na examination and validation ng local at foreign currencies na lumalabas at pumapasok sa bansa.
Layon din ng mga makabagong kagamitan na pabilisin ang “facilitation” ng cash count at maging ang pagtatala ng mga serial numbers ng mga local and foreign currencies bilang bahagi ng imbentaryo ng kawanihan.
Hindi na rin aniya problema ang mga palsipikadong salapi dahil may kakayahan itong kumilatis ng tunay at peke – piso man o iba pang salapi mula sa ibang bansa.
At dahil makabago ang mga nasabing kagamitan, isasailalim naman ng BOC, sa tulong ng BSP ang mga kawaning itatalaga sa mga ports of entry kung saan nakatakda itong dalhin at gamitin.
Bukod kina Guerrero at Diokno, dumalo rin sa virtual signing ng Memorandum of Agreement sina BSP Deputy Governor Dr. Francisco G. Dakila Jr., AMLC Executive Director Atty. Mel Georgie B. Racela, NAIA District Collector Carmelita M. Talusan, NAIA Deputy Collector for Passenger Service Atty. Ma. Lourdes V. Mangaoang, at iba pang opisyales ng mga nasabing tangapan.
Lubos naman ang pasalamat ni Guerrero sa BSP, kasabay ng pagtitiyak na lalo pa nilang pagbubutihin ang pagtupad sa mandato ng kanilang kawanihan, kabilang ang pagpapalakas ng pangangalaga ng integridad ng Philippine monetary instrument.
Sa ilalim ng umiiral na batas, ang paglalabas ng Philippine currency lagpas ng P50,000 ay kailangan ng written authorization mula BSP. Para naman sa foreign currencies at iba pang monetary instruments na lalagpas ng USD10,000 o katumbas ng iba pang currencies, dapat anilang deklarado ito sa  Customs Baggage Declaration Form at maging sa Foreign Currency Declaration Form mula naman sa BSP.
Taong 2020 nang masabat ng kawanihan ang hindi bababa sa P33-milyong halaga ng iba’t ibang foreign currencies at monetary instruments.
110

Related posts

Leave a Comment