HOSPITAL BEDS AT MEDICAL EQUIP’T SA SPMC

HINDI lang buwis mula sa pumapasok at lumalabas na kargamento sa bansa ang pakay ng Port of Davao na mas piniling ibahagi ang nalikom na kita sa laban kontra pandemya.
Katunayan, 38 hospital beds at iba’t ibang medical equipment ang ibinigay ng Bureau of Customs (BOC) sa Southern Philippines Medical Center kung saan dagsa ang dumarating na pasyenteng tinamaan ng nakamamatay ng coronavirus disease.
Sa isang pahayag, ng BOC-Port of Davao, tugon anila ito sa panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte na una nang nanawagan ng pagkakaisa sa gitna ng patuloy na banta ng pandemya.
Ayon kay BOC-POD district collector Atty. Erastus Sandino Austria, hangad nilang matiyak na mas marami pang pasyente ang makakalinga ng pinakama­laking pampublikong ospital bilang central care unit sa nasabing rehiyon, lalo pa’t karaniwang daing ng mga ospital ang kawalan nito ng kapasidad na tumanggap pa ng labis sa kanilang bed capacity.
Pagtitiyak din ni Austria, mananatiling operational ang BOC-POD upang masigurong walang magiging aberya sa pagdaong ng mga medical supplies na higit na kailangan ng SPMC para sa mga pasyente at healthcare workers ng nasabing healthcare facility.
Bukod sa hospital beds, bahagi rin ng donasyong tinanggap ni SPMC Medical Director Dr. Ricardo Audan mula sa BOC-POD ay ang mga walkers, medical trolley, folding beds at maraming iba pa.
“Being frontliners ourselves, we remain committed to the call of duty to ensure that goods are released without undue delay in this time of crisis,” ani Atty. Austria.
145

Related posts

Leave a Comment