2021 FIBA 3×3 Montreal Masters ROAD TO 2024 PARIS OLYMPICS

GIGIL na makabawi ang Manila Chooks TM sa 2021 FIBA 3×3 Montreal Masters, na tulay tungo sa pinapangarap ng team na 2024 Paris Olympics.

Tumulak pa-Canada ang koponan na kinabibilangan nina Mark Yee, Mac Tallo, ­Zachary Huang, Dennis Santos, at ­alternate player Chico Lanete nitong Miyerkoles ng hapon ­matapos magnegatibo sa COVID tests.

Kasama ang Manila Chooks TM sa Pool D na kinabibilangan din ng World No. 8 Antwerp ng Belgium at No. 10 Edmonton ng Canada.

Nakatakda ang unang game nila sa Antwerp sa Setyembre 5 ganap na 12:45 ng umaga (Manila time), habang ang laro kontra Edmonton ay sa ganap na 6:50AM.

Ang mangungunang dalawang koponan sa Pool D ang uusad sa crossover playoffs sa Setyembre 6 at haharapin ang World No. 4 Ub ng Serbia, Switzerland’s Lausanne, o home team Old Montreal.

“Gustong-gusto naming bumawi kasi nabitin kami noong Doha Masters,” pahayag ni ­Lanete. “Every win and every point counts for us para makakuha tayo ng points para sa Olympics.”

Target ng 11th seed Manila Chooks TM na makaipon ng sapat na points para mag-qualify sa 2024 Paris Olympics.

162

Related posts

Leave a Comment