HINDI nag-qualify ang Greece para makalaro sa ginanap na Tokyo Olympics, matapos nitong matalo sa Czech Republic sa qualifying tournament championship noong Hulyo 4.
Hindi nakalaro si Giannis Antetokounmpo sa koponan ng Greece dahil kasalukuyang naghahanda ang Milwaukee Bucks sa NBA Finals noong Olympics.
Kaugnay nito, nagpahiwatig ang tinaguriang “The Greek Freak” ng pagnanasang lumaro sa EuroBasket sa Setyembre ng susunod na taon.
Bagama’t isang taon pa iyon mula ngayon at marami pang maaaring mangyari na magpapa-bago sa isip ni Antetokounmpo, naniniwala ang marami na seryoso ang player na katawanin ang Greece.
Nitong nakaraang Tokyo Games, kabilang sa mga NBA stars na lumaro sa kani-kanilang bansa sina Luka Doncic (Slovenia), Nikola Jokic (Serbia), Rudy Gobert at Evan Fournier (France) at ang magkapatid na Marc at Pau Gasol (Spain).
LOWRY NAGPALIWANAG
SA PAGLIPAT SA HEAT
NANG maging free agent si Kyle Lowry ng Toronto Raptors, maraming nagkainteres sa kanyang koponan. Nandyan ang Dallas Mavs at maging ang New Orleans Pelicans.
Pero Miami ang pinili ni Lowry. Ito’y kahit may ulat na nagkaroon ng ‘tampering’, walang dudang uniporme ng Heat ang isusuot ng player sa darating na season.
Sa kanyang guesting sa CJ McCollum’s Pull Up Podcast, inihayag ni Lowry ang dahilan kung bakit niya pinili ang Miami.
“For me, it’s only championships or bust. Going to Miami, that was a situation where I feel like this is what they want to do. I have a close friend, Jimmy Butler, there and I feel like Miami, that’s what they want to do. It’s about winning championships,” lahad ni Lowry.
Dagdag pa niya: “If you aren’t playing for championships, what are you playing for? And that’s the only thought process that went into my free agency, is where do I go to become a champion?”
Minsan na ring nakatikim ng kampeonato si Lowry, kasama si Kawhi Leonard sa kampo ng Toronto Raptors noong 2018.
199 