TSUKII SUMUNGKIT NG GINTO SA CAIRO

NAGBULSA ng gintong medalya si Filipino-Jap­anese Junna Tsukii sa 2021 Karate 1 Premier League World Karate Federation Premier League Champion sa Cairo, Egypt.

Tinalo ni Tsukii sa finals ng women’s 50kg Kumite ang homebet na si Rashed Areeg ng Egypt, 2-1.

Unang tinalo ng Fil-Jap sa semifinals ang isa pang bet ng host country na si Salama Reem Ahmed, 1-0.

Binigo rin ni Tsukii ang iba pang mga nakatapat sa Pool 2 – Match 1 kontra Yorgelis Salazar ng ­Venezuela (8-8 via ­superiority at Match 2 laban kay Grujic Aleksandra ng Georgia (3-1).

Ang ginto sa Cairo ay pangatlo na ng 2019 Southeast Asian Games (SEA) Games gold medalist na si Tsukii ngayong taon.

Wagi rin siya ng ginto sa Karate1 Premier League sa Lisbon, Portugal noong Mayo, at Golden Belt Tournament sa Cacak, Serbia noong Marso.

222

Related posts

Leave a Comment