HERD IMMUNITY TARGET SA PINAS ITINAAS SA 80 -90%

ITINAAS na ng Pilipinas ang herd immunity target para protektahan ang mga Filipino laban sa mas nakahahawang COVID-19 Delta variant.

Sinabi ni Vaccine czar Carlito Galvez na makakamit lamang ng Pilipinas ang herd immunity kung 80 hanggang 90 porsyento na ng mga Filipino ang bakunado laban sa novel coronavirus.

“Nakikita po natin na mostly baka po yung herd immunity, dahil kasi nga po doon sa Delta variant, baka iangat po natin ng 80 to 90 percent, yun po ang pagkakasabi ng maraming experts.

Na para antas na maproteksyonan ang ating population ay iakyat natin ng 80 to 90 percent,” ayon kay Galvez.

Umaasa aniya ang pamahalaan na mabakunahan ang 77 milyong Filipino bago matapos ang taon at umabot sa 90 milyong bakunadong Filipino sa first quarter ng 2022.

“So yung target natin na 77 million, baka siguro 90 million na Filipinos po ang talagang itatarget po namin before the end of 1st quarter (2022). So yung 77 million, pipilitin po namin na end of the

year, tapos yung tinatawag namin na herd immunity na 90 percent, first quarter 2022.” ani Galvez.

Aniya pa, mayroong stable na suplay ng bakuna ang bansa mula sa Pfizer at Sinovac.

Dagdag pa ni Galvez, maraming bakuna ang inaasahan na darating sa bansa sa mga susunod na buwan.

Sa kasalukuyan, ang Pilipinas ay mayroong 15 milyong Filipino na fully vaccinated laban sa COVID-19. (CHRISTIAN DALE)

116

Related posts

Leave a Comment