PAGPASA SA DEPARTMENT OF DISASTER IGINIIT

MULING nanawagan si Senador Christopher “Bong” Go sa mga kasamahan na ipasa na ang batas sa patatatag ng Department of Disaster Resilience matapos dumaan ang magkasunod na bagyong “Jolina” at “Kiko” sa bansa nitong nakaraang linggo lang.

Sa pagbisita at paghahatid niya ng tulong sa mga residente ng Biñan, Laguna na naapektuhan ng Bagyong Jolina, sinabi ni Senador Go, ” huwag na po nating antayin ang panibagong bagyo o pagbaha na naman…kailangan na talaga natin ng isang cabinet secretary level na departamento para tumugon sa mga ganitong uri ng kalamidad”.

“Yun na po ang makikipag-coordinate, preposition ng mga relief goods, at paglilikas ng mga kababayan natin sa ligtas na lugar, at pagkatapos ng delubyo ay siya ring nakatutok sa restorasyon at rehabilitasyon ng lugar na tinamaan ng kalamidad,” paliwanag pa ng senador.

Aniya, “ang departamentong ito ang tututok, makipag-coordinate sa lahat ng ahensya para matiyak ang tuloy-tuloy na serbisyo ng gobyerno bago, habang, at pagkatapos ng kalamidad”.

Namahagi si Go ng grocery packs, pagkain, face masks at face shields, at mga bitamina sa mga naapektuhan ng pag-ulan at pagbaha sa naturang lungsod matapos rumagasa si “Jolina” noong nagdaang mga araw bago tuluyang lisanin ang bansa patungong China.

Laking pasalamat naman ni Biñan Mayor Arman Dimaguila sa paghahatid ng ayuda sa kanyang constituents ni Sen. Go kasama ang iba pang mga ahensya tulad ng DSWD, DTI, DOH, at PCSO. (CHRISTIAN DALE)

107

Related posts

Leave a Comment