14 casualties kinukumpirma pa P628-M PINSALA NG BAGYONG JOLINA SA AGRIKULTURA

MAHIGIT P628 milyon ang tinatayang halaga ng pinsala sa agrikultura habang patuloy pa rin ang ginagawang assessment ng National Disaster Risk Reduction and Management Council sa nawasak na imprastraktura matapos ang pananalasa ng bagyong Jolina sa bansa.

Ito ay kasunod ng isinagawang aerial inspection ng Philippine Air Force hinggil sa lawak ng naging pinsala ng nagdaang bagyo.

Ayon kay NDRRMC Spokesperson Mark Timbal, anim na rehiyon sa bansa ang lubhang nasalanta sa pananalasa ng bagyong Jolina kabilang ang Region 3, Calabarzon, Mimaropa, Region 5, Region 6 at Region 8.

Sa inilabas na Situational Report ng NDRRMC, lumilitaw na ang Region 5 ang may pinakamalaking danyos sa agrikultura na umaabot sa mahigit P110 milyon ang cost of damage, partikular ang fisheries sector na siyang ang lubhang tinamaan.

Sa infrastructure sector naman, mahigit P57 milyon ang nasira mula sa apat na rehiyon. Ito ay ang Calabarzon, Mimaropa, Region 5 at Region 6.

Umabot naman sa kabuuang 8,925 kabahayan ang nasira mula sa limang rehiyon kung saan 8,492 ang partially damage habang 432 ang totally damaged.

Kinumpirma ng NDRRMC na may tatlong tao ang namatay, apat na nawawala at 19 ang sugatan sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyo.

Subalit kasalukuyan pa rin umanong bineberipika at bina-validate ang 14 reported deaths, 3 missing at 5 injured. (JESSE KABEL)

126

Related posts

Leave a Comment