Helmet tinangay ng hangin MAG-UTOL DEDBOL SA MOTORSIKLO

CAVITE – Binawian ng buhay ang magkapatid na lulan ng motorsiklo nang mawalan ng balanse ang driver makaraang tangayin ng hangin ang helmet ng angkas nito at bumangga sa harang na bakal sa gilid ng kalsada sa Dasmariñas City, nitong Huwebes ng madaling araw.

Kinilala ang magkapatid na sina John Michael Vincent Oyao, 24, binata, at Shane Ashley Oyao, 18, kapwa residente ng Block 146, Lot 6, Phase 4, Mary Cris Complex, Camachille, Gen. Trias City, kapwa namatay sa pinangyarihan ng insidente.

Ayon sa ulat ni P/SSgt. Jesus Bae ng Dasmariñas City Police Station, magkaangkas sa isang motorsiklong Rusi ang magkapatid habang binabagtas ang kahabaan ng D. Mangubat Avenue, Brgy. Zone 4 Dasmariñas City, dakong alas-4:30 kahapon ng madaling araw.

Ngunit pagsapit sa tapat ng Army and Navy restaurant nang tangayin ng malakas na hangin ang helmet na suot ni Shane na sinasabing dahil sa mabilis na pagpapatakbo ni John.

Dahil dito, nawalan ng balanse sa manibela si John at nadulas hanggang bumangga sa isang bakal na harang sa gilid ng kalsada na nagresulta sa kanilang agarang kamatayan. (SIGFRED ADSUARA)

227

Related posts

Leave a Comment