REBELYON BANTA PA RIN SA PINAS

NANANATILING nasa “heightened alert” at mas mahigpit na seguridad ang Pilipinas upang pigilan ang lawless violence at rebellion sa bansa.

Ang pahayag na ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque ay kaugnay sa babala ng Japan Foreign Ministry sa kanilang mamamayan sa posibleng pag-atake ng terorista sa ilang Southeast Asian countries kabilang na ang Pilipinas.

Sinabi ni Sec. Roque na pinaigting na ng Pilipinas ang security measures simula nang magsagupa ang terrorist Maute Group at government troops sa Marawi City, Lanao del Sur na nangyari sa 2017.

Sa kabilang dako, sinabi naman ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Guillermo Eleazar na walang report ang PNP ukol sa terror threats sa bansa na may kaugnayan sa naging babala ng Japan.

Sa panig naman ng Bureau of Immigration (BI), nakaalerto ito laban sa pagpasok ng mga posibleng teroristang dayuhan sa bansa.

Ani Immigration Commissioner Jaime Morente, palagi silang nakaalerto laban sa mga dayuhang terorista kahit ngayong panahon ng pandemya na limitado ang pinapayagan na makapasok sa bansa.

“Those who fail to satisfactorily explain their purpose in coming are turned away and booked on the first available flight back to their port of origin,” ayon pa kay Morente.

May hawak din aniya silang database ng mga pinaghihinalaang terorista na siyang binabantayan ng kanilang immigration inspectors.

“We have a shared database with numerous local and international intelligence agencies including the Interpol. This database and other derogatory files are integrated into the electronic system, regularly updated, and is used by our immigration officers in processing and conducting arrival formalities for passengers, thus allowing us to detect such attempts,” paliwanag pa ng opisyal. (CHRISTIAN DALE/RENE CRISOSTOMO)

373

Related posts

Leave a Comment