ISO Certification target sungkitin KOLEKTIBONG KILOS, HINDI KOMPETENSYA

TARGET ng walong district collection offices ng Bureau of Customs (BOC) sa Luzon ang nagpulong kamakailan sa paglalayong masungkit ang target na ISO Certification na patunay at pamantayan ng mahusay na pagganap sa mandato ng nasabing kawanihan.

Sa pangunguna ng BOC-Port of Legazpi, inorganisa ang virtual governance sharing conference sa hangad na makapagpalitan ng kaalamang napatunayang epektibo sa pagpapatupad ng sistema kaugnay ng kalakalan sa mga pasilidad na sakop ng kawanihan.

Bukod sa Port of Legazpi, kabilang din sa mga aktibong nakibahagi sa palitan ng “best practices” nitong nakaraang Huwebes ang mga tanggapan sa pwerto sa Limay, Iloilo, Aparri, Surigao, San Fernando, Subic at Clark.

Ibinahagi naman ng Port of Clark na kinakatawan ni Rommel Isip ang kanilang katangi-tanging diskarteng nagbigay bentahe para sa kanilang mataas na koleksyong nalikom mula sa buwis at taripa ng pumapasok at lumalabas na kargamento.

Hindi rin nagpaiwan ang Port of Legazpi na kinakatawan ni Penafranzia Bagacina na nagbigay kaalaman naman sa mga dapat tupdin ng iba pang tanggapang target na makasungkit ng mailap na ISO Certification.

Sa nasabing aktibidad, nagpalitan ng kuro-kuro at impormas­yong sagot sa mga agam-agam kaugnay ng ISO Certification at maging sa aspeto ng napipintong pagpapatupad ng Proficiency State Pre-Audit na siya namang susukat sa husay ng mga pwerto.

Ang governance sharing ay isa sa siyam na elemento sa ilalim ng Performance Governance System (PGS) na sadyang iniakda sa layuning isulong ang mahusay na pamamahala sa pamamagitan ng palitan ng kaalaman at istratehiyang angkop sa makabagong panahon.

171

Related posts

Leave a Comment