CONE NAG-SORRY SA GINEBRA NATION

WALANG dapat sisihin sa maagang pag-exit ng Barangay Ginebra sa 2021 PBA Philippine Cup kundi ang coach ng koponan na si Tim Cone.

Diniskaril ng top seed TNT ang defending champions Ginebra sa All-Filipino conference quarterfinals sa iskor na 84-72, Huwebes sa Don Honorio Ventura State University gym sa Bacolor, Pampanga.

“I can’t find the words to express our sorrow and embarrassment over our performance in the bubble. We didn’t live up to the Ginebra legacy, and that was totally my fault.” tweet ni Cone matapos ang laro.

Humingi rin ng tawad ang 63-year-old Gin Kings coach sa kanilang fans at nangakong hindi na ito mauulit pa.

“I apologize to the Ginebra nation. All I can say is that it won’t happen again as long as I am the coach.”

Tumapos ang Ginebra sa elimination round na may 4-7 win-loss record.

Ilang basketball analysts naman ang nagpahayag na ­maaaring iba ang naging kapalaran ng Barangay kung naka­paglaro sina Japeth Aguilar at Scottie Thompson.

Napaaga ang paglabas sa Bacolor bubble ni Aguilar dahil sa injury (sprained MCL), habang si Thompson ay dahil sa league’s health and safety protocols.

Isa pang Ginebra player, si Aljon Mariano, ang na-injure rin sa ikalawang yugto ng Philippine Cup.

113

Related posts

Leave a Comment