151 LUGAR PA SA NCR NAKA-GRANULAR LOCKDOWN

BAGAMAN nabawasan na ang mga lugar na isinailalim sa granular lockdown sa National Capital Region (NCR), mayroon pa rin itong 151 bilang.

Sa ulat ng Philippine National Police (PNP), mula sa 186 na lugar noong October 6, nabawasan ng 35 ang mga naka-granular lockdown kaya umaabot na lang ito sa 151 as of October 7.

Sa naturang bilang, 108 dito ay mga kabahayan, 16 ang residential buildings kasama ang building floor, 13 ang kalye, at 13 ang subdivision o village.

Nagmula sa 108 na barangay mula sa iba’t ibang lungsod ang mga lugar na naka-lockdown dahil sa kaso ng COVID-19.

Patuloy namang naka-deploy ang mga pulis at force multipliers sa lockdown areas para matiyak na nasusunod ang minimum public health safety standards.

149

Related posts

Leave a Comment