RETIRADONG SUNDALO, 1 PA TIKLO SA BATO

ARESTADO ang isang retiradong sundalo at isa pang lalaki sa ikinasang buy-bust operation sa Valenzuela City.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sina Arnel Bataller alyas “Sundalo,” 46, retiradong miyembro ng Philippine Army, at Joel Casuple alyas “Belok,” 42, ng Modesto St., Brgy. Mapulang Lupa.

Ayon sa ulat, ala-1:45 ng madaling araw nang isagawa ang operasyon sa inuupahang bahay ni Bataller sa 3072, Unit C2, JB Juan St., Brgy. Ugong.

Isang undercover ang nakaiskor ng P500 halaga ng droga sa mga suspek at paghudyat ng poseur-buyer ay dinamba ng mga awtoridad ang mga suspek.

Nakumpiska sa mga suspek ang 12 gramo ng shabu na may presyong P81,600, buy-bust money, P750 cash, dalawang cell phones at dalawang coin purse. (ALAIN AJERO)

257

Related posts

Leave a Comment