2 SALVAGE VICTIMS ITINAPON SA CREEK

patay

QUEZON – Dalawang bangkay na hinihinalang biktima ng salvage ang itinapon sa isang creek sa Eco Tourism Road, Brgy. Guis- Guis Talon sa bayan ng Sariaya sa lalawigang ito, noong Biyernes ng hapon.

Ayon sa report ng Sariaya Police, nadiskubre ng ilang mga nagdaraan ang bangkay ng isang babae at lalaki sa creek sa gilid ng highway dakong alas-2:00 ng hapon.

Ang mga bangkay ay kapwa nakahubad at nakasuot lamang ng underwear.

Ayon sa pulisya, nakabalot ng packaging tape ang ulo ng mga biktima at nakagapos ang mga paa at at kamay. Ang mga ito ay may mga tama ng bala ng baril sa katawan.

Natagpuan din sa lugar ang apat na basyo ng bala ng 9mm na baril.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad at inaalam ang pagkakakilanlan ng mga biktima. (NILOU DEL CARMEN)

167

Related posts

Leave a Comment