JULIAN ONGPIN KINASUHAN NA SA LA UNION COURT

SINAMPAHAN na ng kasong may kaugnayan sa ilegal na droga si Julian Ongpin sa korte sa La Union.

Kinumpirma ito ni Department of Justice (DOJ) – Office of the Prosecutor General Assistant State Prosecutor Honey Delgado.

Ang kaso ay kaugnay sa pagkakakumpiska ng hinihinalang cocaine sa inupahang kuwarto ni Ongpin kung saan din natagpuan na walang buhay ang artist na si Bree Jonson nitong nakalipas na Setyembre 22.

“Yes, it was already filed in court today. We don’t know yet kung saan branch ng RTC po siya mara-raffle,” ayon kay Delgado.

Habang isinusulat ito, wala pang inilalabas na warrant of arrest ang korte laban kay Ongpin. (RENE CRISOSTOMO)

252

Related posts

Leave a Comment