GUIDELINES SA UNDAS 2021 INILATAG

KASADO na ang ipatutupad na guidelines ng Inter-Agency Task Force para sa paggunita sa Undas ngayong taon.

Sa Talk to the People ni Pangulong Duterte, sinabi ni Interior Secretary Eduardo Año na isasara ang lahat ng mga sementeryo sa bansa mula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 2, 2021.

Ito ay upang maiwasan ang superspreader events sa sandaling bumuhos ang mga taong bibisita sa puntod ng kanilang mga yumaong mahal sa buhay.

Aniya, maaari namang bumisita ang publiko sa mga sementeryo, memorial parks, at kolumbaryo bago mag-Oktubre 29 at pagkatapos ng Nobyembre 2.

Ipinaalala rin ng kalihim na 30% lamang ng kapasidad ng sementeryo ang papayagan at dapat na nasusunod ang minimum health protocols. (CHRISTIAN DALE)

161

Related posts

Leave a Comment