SARA LAGLAG SA PDP-LABAN

HINDI na bahagi si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ng prosesong isinasagawa ng Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-Laban) kaugnay ng paghahanap ng isang malakas na kandidato para sa 2022 presidential derby.

Ayon mismo kay Energy Secretary Alfonso Cusi na tumatayong Pangulo ng partido ng administrasyon, patuloy silang naghahanap ng posibleng standard bearer ng PDP-Laban, na tila pahiwatig sa posibleng substitusyon kay Senador Ronald “Bato” Dela Rosa na una nang naghain ng kanyang kandidatura bilang Pangulo sa ilalim ng administration party.

Aniya, malabo nang maging presidential bet ng kanilang partido si Sara, bagamat hindi niya tinugon ang tanong kung itutuloy ang presidential bid ng anak na babae ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang kapalit ng ibang kandidato sa pagka-Presidente.

Anything is still possible at this time,” tugon ni Cusi nang tanungin kung si Dela Rosa sa pagka presidente at si Senador Bong Go sa pagka bise-presidente na ba talaga ang magiging pambato ng administrasyon.

“Yung kay Mayor Inday Sara substituting Bato, that is something na hindi namin na-consider because very clear naman ang statement ni Mayor Inday na hindi siya tatakbo under PDP. So kung hindi siya, paano namin isa-substitute yun?” sambit ng Kalihim nang kapanayamin sa telebisyon.

Sa ilalim ng Omnibus Election Code na pinaiiral ng Commission on Elections (Comelec), pinahihintulutan ang “substitution” ng kandidato sakaling pumanaw o magkasakit ang mismong naghain ng kandidatura.

Naging usap-usapan din ang pagpalit ni Pangulong Duterte sa kandidaturang inihain ng anak bilang alkalde ng Davao sakaling tanggapin nito ang hamon na tumakbong Pangulo ng bansa. (FERNAN ANGELES)

184

Related posts

Leave a Comment