Masanay kasama ang virus ITIGIL ANG LOCKDOWN, TESTING ANG TUTUKAN – IMEE

MULING hinimok ni Senador Imee Marcos ang pamahalaan na itigil na ang pagpapatupad ng mga lockdown at sa halip ay palawigin ang ‘testing capacity’ ng bansa para sa dagling pagtukoy, pag-a-isolate at lunas sa mga positibo.

Ayon sa senadora, dapat din masanay na ang lahat na mamuhay kasama ang virus sa halip piliting makamtan ang target na zero-Covid.

Giit ng mambabatas na tumatayong chairman ng Senate committee on economic affairs, tanging pagkontrol lang sa pagkalat ng virus ang dulot ng lockdown measures ng pamahalaan, bagay na dapat sana’y ituon sa pagsugpo – kung agad matutukoy kung sino at ilan ang positibo.

Aniya, dapat seryosong pondohan ang ‘testing capacity’ ng Pilipinas sa ilalim ng 2022 budget para mapigilang makaabala sa ating kabuhayan, paghahanap ng kikitain, at sa paglago ng ating ekonomiya.

Kinikilala ni Marcos na nagawang mapababa ng gobyerno ang paglobo ng natatamaan ng virus mula nang pairalin ang lockdown noong Agosto, pero kung hindi anya mapahusay ang testing capacity ng bansa para bantayan ang mga nakamit laban sa virus, matetengga na lang ang bansa sa mga paulit-ulit na alert level at mga quarantine protocol.

Ang paglobo ng Covid-19 sa bansa, na may pinakamataas na naitala sa bansa na 2.04 noong Marso 2020, ay bumaba na mula sa taas na 1.32 percent nitong nagdaang Marso tungo sa 0.52. (DANG SAMSON-GARCIA)

162

Related posts

Leave a Comment