NAGPASARING si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga bansang klasipikadong “super powers” na tuparin ang pangakong ambag sa isinusulong na programang tugon sa lumalalang suliranin kaugnay ng climate change.
Sa 16th East Asia Summit, muli rin nanawagan ang Pilipinas para sa agarang aksyon sa laban sa mga estadong responsible sa pagkalason ng hangin.
“Those most responsible — past and present — must commit to our common goal of net zero emissions,” ayon sa isang kalatas na inilabas ng Malakanyang.
Sa pagtatapos ng ASEAN-China Summit, tinukoy din ng punong ehekutibo ang aniyang posibleng kahihinatnan ng warming climate para sa developing coastal countries tulad ng Pilipinas. (CHRISTIAN DALE)
363 