SMUGGLED YOSI KUMPISKADO

HUMIGIT kumulang P2-milyong halaga ng mga imported na sigarilyo mula sa bansang Indonesia ang nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa Sarangani Bay kamakailan.

Ayon sa BOC-Port of Davao, nasabat ng kanilang mga kawani ang isang bangkang de motor kung saan lulan ang kahon-kahong siga­rilyong tinangkang ipuslit sa bansa sa kabila pa ng paghihigpit sa mga karagatan kung saan karaniwang idinadaan ang mga iligal na kargamento.

Sa tala ng BOC, 40 kahon ng mga sigarilyong tatak Gudang Baru mula sa bansang Indonesia ang kumpiskado sa operasyon ng Dadiangas Sub-port katuwang ang Naval Forces Eastern Mindanao sa kanilang sabayang pagpapatrolya sa Sarangani Bay sakop ng bayan sa Glan.

Arestado rin sa nasabing operasyon ang dalawa kataong kinilalang sina Sandy Sawotong at Edison Pareda na kapwa residente ng Barangay Calumpang, General Santos City.

Nasa kustodiya na ng BOC Enforcement and Security Service ang mga kumpiskadong sigarilyo habang inihahanda ang kasong paglabag ng Republic Act 10863 (Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) ang mga suspek.

170

Related posts

Leave a Comment