MAY karapatan ang mga employer na tanggihan ang mga aplikante na hindi bakunado.
Ang pahayag na ito ng Pangulo ay sa gitna ng diskusyon na hindi pagbibigay ng insentibo sa mga hindi pa bakunado laban sa COVID-19 sa kabila ng maayos na vaccine supply.
“You have the right to refuse or to accept as an employee somebody who is not vaccinated and will go and join the rest of employees and the factory or the place or whatever you have as your business [then] this guy would start to contaminate everybody,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang Talk to the People, Martes ng gabi.
Giit ng Chief Executive, nais lamang protektahan ng mga employer na tatangging mag-hire ng mga unvaccinated individuals ang kanilang property, pamumuhunan at negosyo.
“Second is that you are protecting your employees,” ayon kay Pangulong Duterte.
“I think it’s legal for employers not to accept who are not vaccinated, tama sila I agree with them,” dagdag na pahayag ito.
Nauna nang sinabi ng Malakanyang na “legal” kung ire-require ang COVID-19 vaccination sa mga empleyado para makakuha ng kanilang Christmas bonus.
Tinukoy ni Presidential spokesperson Harry Roque ang polisiya ng Cebu City government na magbibigay ng P20,000 Christmas bonus sa bawat empleyado gaya ng inanunsyo ni acting Mayor Michael Rama, kung saan dapat lamang ay fully vaccinated ang mga ito laban sa COVID-19.
“Wala po akong nakikitang pagkakamali diyan kasi Christmas bonus po ang pinag-uusapan. Hindi naman po requirement ng batas na magbigay ng Christmas bonus,” ayon kay Sec. Roque.
“What our laws require for government workers is provision of 13th and 14th month pay. Granting Christmas bonus is discretionary, and as such, requiring a COVID-19 vaccine for that as an incentive is allowed,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.
Gayundin, sinabi ni Sec. Roque na ang naging panukala ng Metro Manila Council na imandato ang COVID-19 vaccination para sa mga nagtitinda sa Christmas bazaars ay katanggap-tanggap din. (CHRISTIAN DALE)
382 