SA NGALAN NG EKONOMIYA

SA hudyat ng Inter- Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF), mas pinalawak pa ng pamahalaan ang pagluluwag sa mga panuntunan sa kabila nang patuloy na banta ng nakamamatay ng COVID-19.

Giit ng gobyerno, kailangan nang umusad ang ekonomiyang sukdulang nalugmok bunsod ng pagkakahimpil ng negosyo, empleyo,

transportasyon, turismo at iba pang pinagmumulan ng buwis na siyang ginagamit ng pamahalaan sa mga programa at proyekto.

Gayunpaman, tila nakaligtaan ng IATF na libo pa rin ang bilang ng mga Pilipino na nagpopositibo kada araw – mga taong posibleng nakahawa pa ng iba pang nakasalamuha nito bago pa man lumabas ang resultang sila’y mga positibo.

Bagama’t bumababa na ang arawang bilang ng mga naitatalang kaso ng mga nahawaan ng COVID-19, hindi dapat mawaglit ang tinatawag na reproduction rate o ang kakayahan ng isang kumpirmadong positibo na makahawa pa sa iba.

Walang dudang kailangan ng Pilipinas ang agarang solusyon sa pagkakalugmok ng ekonomiya ng bansa. Subalit kailangan pa ba malagay sa peligro ang publiko sa hangaring makalikom ng pondo ang gobyerno?

Kapansin-pansin sa pasya ng IATF ang pagbibigay-luwag sa mga rehiyon, lalawigan at lungsod na may mataas na populasyon, bagay na tila nakababahala at ­posibleng magsilbing ­mitsa ng muling pagtaas ng arawang bilang ng mga kumpirmadong kaso.

Ang tanong – gaano karami na bang Pilipino ang bakunado? Sa pinakahuling bilang, ni wala pa sa kalahati ng target ng gobyerno.

394

Related posts

Leave a Comment