INANUNSYO ng Malakanyang na special working day sa Nobyembre 29 at Disyembre Dec 1, 2021.
Ang mga araw na nabanggit ay bahagi ng isasagawang 3 araw na national COVID-19 vaccination drive.
“Sa pagkakaalam ko, magiging special working day sya,” ayon kay Acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles.
Sa ngayon, naghahanda na ang Local Government Units (LGUs) para sa nasabing event.
Para naman sa National Vaccines Operation Center (NVOC), pasisimplehin ang mga requirements sa national COVID vaccination days, at hinihikayat na rin ang mga LGU na tumanggap ng walk-in sa mga araw na nabanggit.
Target ng gobyerno na makapagbakuna ng 15 milyong Pilipino sa loob lang ng tatlong araw na vaccination drive.
Planong itaas sa 11,000 ang kasalukuyang 8,000 active COVID vaccination sites sa buong bansa para sa pagdaraos ng national vaccination drive.
Nasa 170,000 hanggang 200,000 na health workers naman ang planong ilagay rito, sa tulong ng government agencies, private sector at non-government organizations. (CHRISTIAN DALE)
241 