NAKADEPENDE sa bilis ng pagkilos ng Food and Drug Administration (FDA) ang pagbabalik sa “old normal” ng bansa.
Ito ang pahayag ni House ways and means committee chairman Joey Salceda kaya umapela ito sa FDA na bilisan ang pagbibigay ng emergency use authorization (EUA) sa retrovirals tulad ng molnupiravir.
“COVID-19 will almost certainly be a seasonal disease, if the experts are correct. The way to deal with this is to make COVID-19 an extremely curable, very normal disease with cheap at-home treatment,” ani Salceda,
Nangangahulugan na ituturing na normal na sakit na lamang ang COVID-19 tulad ng sipon at ubo kapag nagbabago ang panahon at hindi na kailangang pumunta ang mga tao sa ospital para magpagamot tulad ng nangyari sa kasagsagan ng pandemya.
Gayunpaman, mangyayari lamang aniya ito kung bibilisan ng FDA ang pag-apruba sa EUA ng retrovirals na gagamitin ng mga tao kapag nagkaroon ang mga ito ng sintomas ng COVID-19.
“That involves making sure that we have the retrovirals, the treatment pills, widely available for use,” ayon pa sa mambabatas.
Gamechanger aniya ang mga retrovirals na ito dahil hindi na kailangan ang COVID-19 vaccines na hindi pa rin puwedeng mabili ng mga tao sa mga botika.
“Undersecretary Vergeire herself has said that 89 hospitals are already using molnupiravir, even without the EUA, with very favorable results. So I call on the FDA, which belongs to the same family, to make sure we have enough personnel and equipment to test and approve these retrovirals.”dagdag pa ng solon. (BERNARD TAGUINOD)
