PAGBABAWAL SA CHILD MARRIAGE, BATAS NA

NILAGDAAN na ni Pangulong Rodrigo Rodrigo Roa Duterte ang batas na nagbabawal sa child marriage sa bansa.

Ipinalabas ng Malakanyang nitong Huwebes ang kopya ng Republic Act 11596 o “An Act Prohibiting the Practice of Child Marriage and Imposing Penalties for Violations Thereof” na nagpapakita na nilagdaan ito ng Pangulo noong Disyembre 10, 2021.

Ang “child marriage” ay tumutukoy sa pagpapakasal ng dalawang menor de edad o ng isang batang edad 17 pababa nang may basbas ng simbahan o prosesong sibil, maging sa ano mang tradisyon o kultural na kaugalian.

Inilarawan din ang child marriage bilang formal marriage sa pagitan ng mga may edad 18-anyos pababa at maging sa pagitan ng isang adult at ng isang bata na itinuturing na forced marriage dahil ang isa o parehong partido ay hindi pa nakapagdedesisyon nang malaya at maayos.

Alinsunod sa panukala, ang sino mang mag-aayos ng child marriage ay papatawan ng parusang prision mayor o pagkabilanggo na mula anim hanggang 12 taon at multang hindi hihigit sa P40,000.

Kung ang sangkot ay magulang, adoptive parent, step-parent, o guardian ng bata, ang penalty ay prision mayor, multang hindi lalagpas sa P50,000 at perpetual loss ng parental authority.

Parurusahan din ang sino mang mamumuno sa child marriage ng prision mayor at multang hanggang P50,000 at posible ring ma-disqualify sa ano mang tanggapan kung ito ay public officer.

Ang adult partner naman na nakikisama sa bata nang hindi kasal ay mahaharap sa prision mayor at multang hindi lalagpas sa P50,000 at perpetual disqualification sa appointive o elective office.

Nagpasalamat naman si Deputy Speaker Bernadette Herrera-Dy, may-akda at co-sponsor ng batas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso, kay Pangulong Duterte “for giving a chance to this law.”

“This is a major victory in our campaign to end child marriage in the Philippines. This law will help protect children, especially young girls, and hopefully change the trajectory of their lives,” dagdag na pahayag nito.

Winelcome naman ni Gabriela Party-list Representative Arlene Brosas ang bagong development na ito, inilarawan niya ito bilang “major step” tungo sa pagtiyak ng mas matatag na proteksyon ng mga kabataan mula sa sexual abuse at epekto ng maagang pagpapakasal. (CHRISTIAN DALE/BERNARD TAGUINOD)

699

Related posts

Leave a Comment