WALANG sino man sa atin ang hindi nagkakaroon ng flu taon-taon na isang ordinaryong sakit na lang sa mundo at madali nang gamutin dahil may nabibiling mga gamot over the counter lang.
May paniniwala rin ang matatanda sa mga probinsya na kapag panahon ng pamumulaklak ng mga mangga, panahon din ng trangkaso, sipon at ubo dahil ‘yung particles ng mga bumulaklak ng mangga ay nalalanghap ng mga tao na hindi nila alam kaya nagkakaroon ng iritasyon sa lalamunan.
Panahon ngayon ng pamumulaklak ng mga punong mangga kaya ang paniwala ng mga matatanda ay flu season na kaya ordinaryo sa kanila ‘yung mga nararanasang sipon at ubo at ang iba ay nagkakatrangkaso.
Pero sa panahon ng COVID-19, mukhang ‘yung taon-taon na flu season ay isinantabi na ng mga eksperto. Lahat ng mga nagkakaroon ng flu ay itinuturing na agad bilang COVID-19.
Nagkakagulo tuloy ngayon ang health experts sa Estados Unidos at iba pang bahagi ng mundo at inaalis na ang RT-PCR test dahil hindi ma-distinguish ng pagsusuri na ito ang pagkakaiba ng flu at COVID-19.
‘Yung mga sintomas ng flu ay sintomas din ng COVID-19 kaya marami tuloy ang natatakot. Lalong lumalala tuloy ang anxiety ng mga tao na hindi makabubuti sa kalusugan.
Minsan nasabi ko na rito na may kilala ako na namatay sa COVID-19 na may hypertension. Natuklasan na meron siyang COVID-19 nang dumaan sa antigen test na requirement sa kanilang trabaho.
Bago siya dumaan sa antigen test, parang wala siyang sakit. Masiglang pumasok sa trabaho pero bumagsak bigla ang mundo niya nang magpositibo siya sa antigen test sa kanyang trabaho.
Muli siyang isinailalim sa RT-PCR test at nagpositibo ulit siya kaya dinala siya sa hospital para ipagamot pero ilang araw lang ay namatay siya. Ipinalalagay ng mga kaanak niya, tumaas ang kanyang blood pressure dahil sa anxiety.
Ngayon tumataas din ang lebel ng anxiety ng mga tao na nakararanas ng mga sintomas ng flu dahil itinuturing agad ng mga eksperto na COVID-19 na ito kaya may pagkilos ngayon sa Amerika na kailangang baguhin ang pagsusuri para malaman kung flu lang ba ang nararanasan ng maraming tao ngayon o COVID-19.
Maganda ‘yan para mabawasan ang pag-aalala ng mga tao sa kanilang sarili at pamilya. Baka hindi sa COVID-19 mamamatay kundi sa pag-aalala. Sa anxiety na magpapabagsak sa immune system ng mga tao. Panahon na!
