KLASE SUSPENDIDO NA RIN SA BULACAN

IPINAG-UTOS na rin ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ang academic ease o “academic health break” para sa mga guro at estudyante sa lalawigan ng Bulacan.

Sa pamamagitan ng memorandum, paiiralin ang 14-day suspension of classes and academic activities sa Bulacan bunsod ng pagtaas ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) cases.

Sa Division Memorandum No. 14s. 2022 na inilabas nitong Huwebes ng DepEd Region III-Central Luzon para sa mga School Division sa Bulacan kabilang ang Division Chief; Education Program Supervisors; Public Schools District Supervisors at Public and Private Kto12 School Heads, inaprubahan ng DepEd ang kahilingan ng mga elementary at secondary schools na pansamantalang suspindihin ang klase mula Enero 14 hanggang Enero 27, 2022.

Ang pagtugon ng DepEd Regional Office 3 sa naturang academic health break request ng school divisions ay bunsod sa pagdami ng kaso ng COVID-19 na lubhang nakaaapekto sa kanilang teaching and non-teaching personnel.

Isa ang lalawigan ng Bulacan na kalapit-probinsya ng National Capital Region (NCR) sa isinailalim sa Alert Level 3 mula January 3 to 15, 2022 ng IATF dahil sa malaking bilang ng Covid cases sa bansa.

“Private schools may exercise their discretion relative to the suspension of classes in coordination and consultation with the parents,” ayon sa DepEd.

“Face-to-face classes in pilot schools in areas under Alert Levels 1 and 2 shall continue in the meantime that DepEd finalizes its report on the pilot [F2F] classes,” dagdag pa ng DepEd sa anunsiyo nitong nakaraang linggo.

Nagsimula ang limited F2F classes for basic education sa lalawigan noong Nov. 15, 2021. (ELOISA SILVERIO)

256

Related posts

Leave a Comment