MONEY LAUNDERING BULILYASO, 2 HAPON ARESTADO SA NAIA

boc

ARESTADO sa pinagsanib na operasyon ng Bureau of Customs (BOC) at Aviation Security Command (AVSE­COM) ang dalawang Japanese nationals na nagtangkang magpuslit sa bansa ng tumataginting na 100 mil­yong yen sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Gayunpaman, muntik nang makalusot ang mga suspek na kinilalang sina Yuzuru Marumo at Masayuki Aoyagi nang biglang sumulpot ang isang armadong grupong nagpakilalang mga miyembro ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at kinuha

sa kanilang kustodiya ang mga suspek na dadalhin na sana ng mga operatiba ng BOC sa detention facility ng kawanihan sa nasabing paliparan.

Salaysay ng mga opera­tiba, isinakay sina Marumo at Aoyago sa isang itim na SUV kasama ang may 10 pang armadong indibidwal na lulan ng iba pang sasakyang pawang walang plaka.

Bago pa man tinangay ang mga suspek, matiyagang inantabayanan ng BOC-NAIA at AVSECOM ang pagdating ng dalawang Japanese national base sa timbre ng Interpol sa Customs Intelligence and Investigation Services (CIIS) kaugnay ng dalawang paparating na Japanese nationals bitbit ang malaking halaga.

Paglapag ng PAL flight PR427 mula sa Narita, Japan bandang alas 5:30 ng hapon, agad na sinalubong umano ng apat na miyembro ng Airport Police ang dalawang suspek. Pagdating sa Customs area, ininspeksyon ang kanilang mga bagahe kung saan tumambad ang 100,645,000 Japanese yen – o katumbas ng P50 milyon.

Nang matangay ng armadong grupo ang mga suspek, agad na nakipag-ugnayan ang BOC sa CIDG na itinangging tao nila ang mga nagpakilalang CIDG operatives.

Agad din naman nabawi ang kustodiya kina Marumo at Aoyago nang harangin sa checkpoint ang sasakyang ginamit ng mga nagpakilalang CIDG operatives.

Mahigpit na ipinagbabawal sa ilalim ng Anti-Money Laundering Act ang pagpapasok ng higit pa sa $10,000 (katumbas ng P500,0000) sa bansa.

223

Related posts

Leave a Comment