LUCENA CITY – Tatlong kalalakihan ang naaresto ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) dahil sa “paihi” at mga illegal na baril sa pagsalakay ng mga awtoridaad sa lungsod na ito, noong Marso 7 ng gabi.
Kinilala ang mga suspek na sina Christopher Pena, 38; Ian Toezel Custodio, 28, at Randy Marcelino, 42-anyos.
Ayon sa report, nadakip ang mga suspek sa isinagawang entrapment operation ng pinagsanib na pwersa ng CIDG Quezon, Lucena Police at 405th RMFB 4A sa Purok Bagong Buhay, Barangay Ibang-Ibang Talim, Lucena City.
Nakumpiska sa mga suspek ang isang caliber .45 pistol, isang 9mm pistol, isang shotgun, mga bala, mga cellphone, cash, electric pump at mga drum na ginagamit umano sa “paihi” operation.
Ang “paihi” operation ay ilegal na pagbebenta ng gasolina na ninakaw mula sa mga delivery tanker.
Mahaharap sa kasong paglabag sa PD 1865 o illegal trading of petroleum products, at Comelec gun ban ang mga suspek. (NILOU DEL CARMEN)
221
