Pinangunahan ng PNP Bicol ‘FUN BIKE PARA SA LIGTAS NA HALALAN’ PUMADYAK

SA nalalabing dalawang buwan bago ang halalan sa darating na Mayo 9, 2022, ang PNP Bicol sa pangunguna ni P/BGen. Jonnel C. Estomo, Regional Director, ay puspusan na ang paghahanda upang matiyak na ligtas at payapa ang eleksyon.

Kaugnay nito, naglunsad ng simultaneous fun bike ang PNP Bicol sa tulong ng Cignal TV Inc., bilang pangunahing sponsor noong Marso 10, 2022 na dinaluhan ng 1,170 indibidwal sa buong rehiyon mula sa iba’t ibang sangay ng pamahalaan.

Kabilang dito ang Commission on Election (COMELEC); Department of the Interior and Local Government (DILG); Department of Social Welfare and Development (DSWD); Bureau of Jail Management and Penology (BJMP); Philippine Army at Coast Guard at iba pang miyembro ng komunidad.

Ang 21-kilometrong fun bike ay nagsimula bandang alas-5:30 ng umaga sa Camp BGen. Simeon A. Ola, Legazpi City.

Ang aktibidad na ito ay binuo ‘di lamang sa paglalayong pisikal na ihanda ang mga pulis sa pagganap sa tungkulin nito kundi para na rin patatagin ang pagkakabigkis ng pamahalaan at komunidad upang itaguyod ang isang ligtas at mapayapang halalan sa Mayo.

Ang bawat pagpedal ng mga kalahok ay simbolo ng kagustuhang maibigay sa mga Bicolano ang seguridad at kapanatagan sa kanilang pagpunta sa kani-kanilang nakatalagang presinto para bumoto.

“Nais kong pasalamatan ang lahat ng nakiisa sa ating fun bike ngayong araw partikular na ang ating mga counterpart sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at lalo na sa mga pribadong grupo at indibidwal.

Ito ay patunay ng ating matibay na samahan at pagkakaisa at pagpapakita ng ating sinseridad sa paghahangad ng isang malinis, tahimik at maayos na halalan ngayong taon”, ayon kay RD Estomo. (JESSE KABEL)

144

Related posts

Leave a Comment