P65-M TINAMAAN SA LOTTO NG FISH VENDOR

ALBAY – Tumataginting na P65 milyon ang tinamaan ng isang tindero ng isda sa lalawigang ito.

Sinabi ng Philippine Charity Sweepstakes Office, tinamaan ang Grand Lotto 6/55 noong Enero 15, 2022.

Tinayaan ng masuwerteng mananaya ang mga numerong 39-29-09-21-19-20 na may katumbas na halagang premyo na P65,991,571.

Nang kunin ng grand winner ang kanyang premyo sa PCSO Main Office, sinabi nitong uunahin niyang bumili ng house and lot para sa kanyang anim na anak dahil nangungupahan lamang sila sa kanilang tinitirahan

Samantala, jackpot din sa Mega Lotto 6/45 draw noong Marso 2, 2022 ang isang taga-Cavite.

Nasa P8,910,000 jackpot prize ang kanyang tinamaan sa mga numerong tinayaan na 02-30-45-42-27-17. (CYRILL QUILO)

248

Related posts

Leave a Comment