DUTERTE KINASTIGO SA PAGPAPAHALAGA SA KITA SA E-SABONG

KINASTIGO ni Senador Leila de Lima ang mistulang pagtatanggol ni Pangulong Rodrigo Duterte sa operasyon ng e-sabong dahil sa kitang dulot nito sa gobyerno.

Pinuna ni de Lima ang pagpapahalaga ni Pangulong Duterte sa revenue mula sa online sabong sa halip na tignan ang negatibong epekto nito sa taumbayan.

Iginiit ng senador na walang sapat na rason upang ipagpatuloy ang operasyon ng e-sabong dahil wala itong naidudulot na buti sa mamamayan.

Binanggit pa nito na kayang marekober ang nawawalang kita subalit ang social costs at pinsala ng e-sabong sa publiko lalo na sa kabataan ay hindi kailanman mababayaran.

Binigyang-diin ni De Lima na dahil sa legalisasyon ng sugal at ng e-sabong mas lumawak ang network ng jueteng gambling lords at ang kanilang impluwensya sa national at local politics.

Bukod anya sa corruption, nakaaalarma ang dulot ng e-sabong na mga krimen. (DANG SAMSON-GARCIA)

254

Related posts

Leave a Comment