BIGTIME ROLLBACK KASADO NA BUKAS

SA unang pagkakataon ngayong taon, isang bigtime oil price rollback sa mga produktong petrolyo ang inaasahang ipatupad bukas (Martes) bunsod ng usapang pangkapayapaang isinusulong sa pagitan ng dalawang oil producing countries – ang Russia at Ukraine.

Sa tala ng kay Department of Energy (DOE), tatapyasan ng P11 hanggang P11.70 kada litro ang presyo ng krudo habang P6 hanggang P6.20 ang inaasahang bawas-presyo sa gasolina, at P8.70 naman sa kerosene.

Paliwanag ni Oil Industry Management Bureau director Rodela Romero, malaking bentahe ang nababanaag na pag-asa ng mga oil industry players makaraang sumang-ayon ang nagbabangayang bansa na pag-usapan ang isang ceasefire.

Bukod sa nakaambang ceasefire, bumaba rin aniya ang demand ng mga produktong petrolyo sa China makaraang magdeklara ng lockdown ang lider ng komunistang bansa dahil sa mabilis na pagtaas muli ng bilang ng kanilang COVID-19 cases.

Gayunpaman, nilinaw ng International Energy Agency na hindi dapat ikalugod ng mga motorista at industriyang umaasa sa suplay ng petrolyo ang bigtime rollback dahil sa economic sanctions na ipinataw ng iba’t ibang estadong miyembro ng United Nations sa bansang Russia. (LILY REYES)

220

Related posts

Leave a Comment