Legarda nangako sa Rizal ng mga ‘makataongsolusyon’ labansa Climate Change

Inihayagni Antique Representative, at kandidato sa pagka-Senador, nasi Loren Legarda ang kanyang plano na gumawa ng mga solusyong makatao sa probinsiya ng Rizal, na isa sa mga probinsyang lubhang apektado ng Climate Change.

Sa isang pagtitipon sa Taytay, Rizal, sinab ini Legarda na ang makataong pamamaraan ay ang pagbase ng mga desisyon sa mga polisiyang  naghihimok ng sustainable development upang mas matulungan ang mgalubhang apektadong mamamayan.

“Kailangan natin ang mga solusyon na naka-ayon sa  pangangailangan ng kalikasan para mapaniguradong ang mga komunidad ay ligtas mula sa baha at iba pang mga sakuna,” sabi ni Legarda.

“Napakaganda ng probinisya ng Rizal. Sinasabi nga ng marami ‘dito natin kayang maranasan ang kalikasan at sining nang hindi na lalayo sa kaginhawaan ng lungsod’. Ngunit sa kabila nito, madalas, ang Rizal ay isa sa mga probinsya na lubhang naa-apektohan ng pagbaha  tuwing may malakas na bagyo,” kanyang ipinagpatuloy. “Kaya naman kailangang lalong palawakin ang ating pag-intindi sa agham ng klima at sakuna, ang mga matitinding  epektonito, at ang mga solusyon upang matugunan ang mgaito.”

Si Legarda ay sang environmentalist namarami nang nailathala na naipapasang batas ukol sa pagtugon sa pagbabago ng klima at sa paghahanda laban sa sakuna mula noong siya’y nasa senado pa ng tatlong termino, hanggang sa pagiging kinatawan ng Antique saKongreso. Idininagdag niya na ang naranasan ng Rizal noong humagupit ang bagyong Ulysses ay isang paalala ng mga pagsubok na dala ng matinding pagbabago sa klima ng mundo.

“Kailangang ipatupad ng mabuti ang mga polisiyang pagtugon sa pagbabago ng klima, at mga hakbang upang mapahina ang panganib at epekto ng sakuna, upang masigurong mas magiging ligtas ang mga komunindad ng Rizal mula sa mga unos,” sabi niya.

152

Related posts

Leave a Comment