DE LIMA MULING HUMARAP SA KORTE 

delima12

(NI ROSE PULGAR)

MULING humarap sa Muntinlupa Regional Trial Court Branch 205 si Senador Leila De Lima sa Muntinlupa City sa muling pagdinig sa kasong kinakaharap nito na may kaugnayan sa illegal drug trade sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City, nitong Biyernes.

Matapos humarap si De Lima sa pagdinig, sinabi nito na accurate sana ang panibagong “narco list” na inilabas ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Dakong alas- 9:00 ng umaga nang sumalang sa witness stand si NBI Agent Jovencio Ablen Jr., sinabi nito na  dalawang beses niyang sinamahan noong 2012 si former NBI Director Rafael Ragos sa bahay ni De Lima sa Southbay Village sa Paranaque.

Ang  una ay noong buwan  Nobyembre, 2012  kung saan iniabot umano ni Ragos sa body guard noon ni De Lima na si Ronnie Dayan ang isang itim ba  bag na may lamang P5 million cash.

Sumunod naman ay noong Disyembre 2012 kung saan isang white plastic na hindi nya matukoy ang laman ang iniabot ni Ragos kay Dayan na ayon kay Ablen ay posibleng galing sa illegal.

Ngunit, mariing pinasungalingan ito ni Dayan at iginiit na hindi niya kilala si Ablen.

Samantala, ipinagpaliban naman ni Muntinlupa RTC Judge Liezel Aquiatan ng Branch 205 ang cross examination sa isa pang testigo ng tagausig na si P/Sr. Supt. Jerry Crisostomo Valeroso na dating nakatalaga sa PNP-CIDG.

Ito’y matapos na hindi makadalo si Valeroso sa pagdinig dahil namatay kahapon ang kanyang ina.

Nag-ingay naman sa labas ng  Muntinlupa City Hall of Justice ang mga miyembro ng “Free Leila Movement”, giit ng grupo, na  inosente umano si De Lima at dapat na umanong palayain ito.

Samantala itinakda ang susunod na pagdinig sa Marso 22 ng alas-9:00 ng umaga.

 

249

Related posts

Leave a Comment