MAGBUBUKAS na at magbibigay ng serbisyo ang Overseas Filipino Workers (OFW) Hospital, isang araw makalipas ang Labor Day, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).
Ayon sa pahayag ng DOLE, magbibigay ng serbisyong medikal at pangkalusugan sa OFWs at kanilang dependents ang pagamutan na itinayo sa San Fernando City sa Pampanga.Mayroon na ring Malasakit Center ang naturang pagamutan na magbibigay ng tulong sa mga mahihirap na pamilya para makapagpagamot nang libre.
Mayroon na ring Overseas Workers Welfare Administration Desk sa loob nito na aasikaso sa pangangailangang medikal ng OFWs para makatipid sila sa kanilang pagpapagamot.
Nabatid na naitayo ang naturang pagamutan sa pamamagitan ng Executive Order 154 ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ang naturang kautusan ay nagtatag din ng Inter-Agency Committee on the OFW Hospital. (RENE CRISOSTOMO)
233
