LENI UMAMING ‘DI NA KAKAYANING MANALO

BAGAMA’T sobrang ingay sa social media ng mga supporter ni Leni Robredo at ­sandamakmak na praise release ang pinakakawalan nila sa mga traditional at new media, pero sa kabila nito ay alam ng kanyang kampo na unti-unti nang nauubos ang oras nila at nagsasara na ang pinto para sa kanilang kampanya.

Hindi kasi mapapasubalian na talagang napakalaki ng lamang ni dating Sen. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos sa kanya, base na rin sa resulta ng lahat ng mga survey na isinagawa ng mga pinakarespetado at ­mapagkakatiwalaang polling firms sa bansa.

Nagdudumilat ang katotohanan na mahigit 40 porsiyento lagi ang tambak sa kanya ni BBM sa mga survey na isinasagawa ng SWS, Pulse Asia, PUBLiCUS, Laylo, OCTA at maging ng Kalye surveys simula pa noong isang taon hanggang sa kasalukuyan.

Sinabi pa nga ng data analyst ng PUBLiCUS na si Dr. David Yap sa isang panayam kamakailan na kundi magbabago ang takbo ng mga numero ay malamang na lumamang si BBM ng mahigit 20 milyong boto kay Leni.

At dahil ilang araw na lang bago ang halalan, malaki ang posibilidad na diretso na si BBM sa panalo at pabalik sa Palasyo habang si Leni at mga kampon niya ay uuwing luhaan.

Kaya naman, bagama’t kapag nasa harap ng mga ­supporter niya ay umaasta si Leni na ­matapang at buo ang loob pero sa sarili niya ay alam niya na ang magiging resulta ng eleksyon.

Kaya naman totoo ang ­kumakalat ngayon sa social ­media na viral video ni Leni na kung saan ay tuwiran siyang umamin na hindi na nila ­kakayanin na ipanalo ang eleksyon dahil ilang araw na lamang ang ­nalalabi at halalan na sa Mayo 9.

Sa naturang video na umani na ng daan-libong views, kita na tinitingnan ni Robredo sa mapa ang mga lugar na napuntahan na nila sa pangangampanya, at kung saan ay nakikita rin ang mga lugar na mahina ang kanyang kandidatura sa pamamagitan ng color-coded markings.

At dahil napansin niya na napakaraming lugar kung saan ay mahina siya at kailangan niyang puntahan ay tahasan niyang ­inamin sa mga kausap at maging sa kumukuha ng video na mahihirapan na sila at hindi na nila kakayanin.

Nakalimutan niya na may kumukuha sa kanya ng video nang aminin niya na hindi na niya kakayanin ang halalan. “13 days… ‘di na natin kakayanin,” pag-amin ni Robredo.

Pero kita rin sa mukha niya na nagulat ito nang makita na mayroon palang sumusunod sa kanya para mag-live sa kanyang official Facebook account.

“Ay, naka-live pa pala,” gulat na sinabi ni Robredo sabay agad itong nagpaalam sa kanyang mga manonood.

Sa ngayon ay talagang ­medyo malabo na talaga ang tsansa niya dahil sa pinakahuling survey ng Laylo Research, ­tumaas pa ang bilang ni Marcos sa 64 ­porsyentong voters ­preference mula sa kanyang 62 porsyentong iskor nitong nakaraang Marso.

Nasa malayong pangalawang pwesto lamang si Robredo na nakakuha ng 21 porsyento o may kabuuang 43 porsyento ang lamang ni Marcos dito.

Kaya maliwanag na aminado na talaga si Leni at tanggap na niya ang katotohanan na tapos na ang halalan at may nanalo na.

202

Related posts

Leave a Comment