Ni ANN ENCARNACION
DALAWANG gintong medalya agad ang posibleng mapasakamay ni Caloy Yulo sa artistic gymnastics competition sa Quang Nua Sports Palace, Biyernes sa 31st Southeast Asian Games.
Umiskor si Yulo ng 85.150 sa men’s all-around kung saan siya ang defending champion.
Dahil sa all-around performance niya, nangu-nguna ang Pilipinas sa 301.600 points, kasunod ang Malaysia na may 295.850.
Sinusulat ito ay kinu-kumpleto pa ng Vietnam at Singapore ang Day One ng gymnastics competition.
Masayang-masaya naman ang Gymnastics Association of the Philippines para kay Yulo.
“Very happy. He did very well. He could have done a little bit better in the floor but he did very well,” sabi ni GAP president Cynthia Carrion.
Una rito, nahulog si Yulo sa pommel horse. Agad naman siyang tumayo at kinumpleto ang kanyang routine.
Maliban sa kanya, ilan pa sa lumalabang Pinoy gymnasts sina Jan Gwynn Timbang at Juancho Miguel Besana Eserio sa individual all-around, at John Ivan Cruz, Justin Ace De Leon at John Matthew Vergara para sa team event.
Target ng 22-anyos na si Yulo ang apat na gintong medalya sa Vietnam SEA Games.
Paborito siyang magwagi sa vault matapos siyang magkampeon dito sa World Championship sa Kitakyushu, Japan noong Oktubre. Maging sa floor exercise, parallel bar at pommel horse.
GILAS MEN’S 3×3
NABAHIRAN
BIGO ang Gilas 3×3 team nina Brandon Ganuelas-Rosser, Jorey Napoles, Marvin Hayes at Reymar Caduyac na sustenahan ang imakuladang kartada sa Hanoi.
Tinalo ng Thailand ang Gilas, 21-16 at tinapos ang Day One sa 2-1 record.
Nagrali ang Indonesia, 5-1, kaya mula sa 9-10 deficit ay lumamang pa ito, 14-11. Nakalapit ang Gilas, 14-13, subalit nakaiskor ang Indonesia, bago ang mintis ni Ganuelas-Rosser.
Una rito, muntikan nang masilat ng Thailand ang Pilipinas, ngunit nakabawi ang Gilas at nanaig, 16-21, sa Thanh Tinh Gymnasium.
Unang tinalo ng Gilas ang Cambodia, 19-7.
PH VOLLEYBELLES
TINALO MALAYSIA
WINALIS ng Pilipinas ang Malaysia, 25-14, 25-20, 25-15, sa first game sa SEA Games women’s volleyball tournament, Biyernes sa Dai Yen Arena sa Quang Ninh, Vietnam.
Bagama’t rumagasa ang mga Pinay sa Set 1, nagbanta ang Malaysia sa sumunod na set nang magrali at kunin ang 7-14 bentahe.
Ngunit natameme ang kalaban nang kuyugin ng power-spiking trio nina Alyssa Valdez, Jaja Santiago at Kat Tolentino, para kontrolin ang Set 2.
Pagdating ng third set ay hindi na nakaporma ang Malaysia kontra mga Pinay, na haharapin ang defending champion Thailand ngayon (Sabado) 3 p.m.
Kailangan ng Philippine volleybelles na tumapos na top two sa pool play upang mag-qualify sa gold medal match.
