MURDER SUSPECT NABINGWIT SA BINONDO

NABINGWIT ng mga operatiba ng Baseco Police Station 13 ng Manila Police District, ang isang 29-anyos na murder suspect sa Binondo, Manila noong Martes ng hapon.

Kinilala ang suspek na si Jorakim Salum alyas “Bakla”, 29, binata, helper, residente ng Baseco Compound, Port Area, Manila.

Base sa ulat ni Police Lieutenant Armando Dela Cruz Jr., hepe ng Warrant and Subpoena Section, kay Police Lieutenant Colonel Emmanuel Gomez, station commander, bandang alas-2:30 ng hapon nang damputin ang suspek makaraang inguso ng mapagkakatiwalaang impormante, sa harap ng isang fastfood restaurant sa naturang lugar.

Ang suspek ay itinuturing na most wanted person dahil sa nabanggit na kaso.

Inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Philipp Charles G. Santos, ng Regional Trial Court, Branch 45 ng Manila, na may petsang Enero 3, 2025.

Walang inirekomendang pyansa ang korte sa suspek para sa nasabing kaso.

(RENE CRISOSTOMO)

58

Related posts

Leave a Comment