SHOE FESTIVAL BINUKSAN SA MARIKINA

DINALUHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Cacho Araneta-Marcos ang pagdiriwang ng Shoe Festival nitong Martes ng hapon sa Marikina City.

Mainit naman na sinalubong ang unang ginang nina Senator Aquilino “Koko” Pimentel; asawang si Ma. Anna Kathryna Yu-Pimentel, Special Envoy to the UAE for Trade and Investments na apo ng sapatero at Ikalawang Distrito Rep. Stella Quimbo kasama ang Pamahalaang Lungsod.

Ang Marikina ay kinikilala bilang Shoe Capital of the Philippines.

Ang pagdiriwang ay may temang “Marikina: Pamana ng Sapatos-Kahapon, Ngayon at Bukas”.

Sa kanyang pag-iikot sa Marikina Freedom Park, ipinakita sa Unang Ginang ang pagkakayari ng mga dekalidad at matitibay na sapatos at bag na gawang Marikina.

(TOTO NABAJA)

55

Related posts

Leave a Comment