GUANZON TAGILID PA SA KAMARA

POSIBLENG hindi makaupo agad bilang kinatawan ng P3PWD party-list si dating Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon.

Pahayag ito ng isang beteranong mambabatas sa Kamara kapalit ng kondisyong huwag siyang pangalanan kaugnay na pagpostura ni Guanzon bilang “Congresswoman” ngayon pa lamang.

“May problema si Rowena dahil hindi naman siya kasama sa 5 nominees ng P3PWD,” ayon sa beteranong solon.

Noong Sabado, ay dumalo si Guanzon sa pulong ng mga party-list na siguradong magkakaroon ng upuan sa 19th Congress matapos makakuha ang mga ito ng sapat na boto noong May 9, 2022 elections.

Kasabay ng pulong ng mga party-list congressmen, inendorso ng mga ito si Leyte Rep. Martin Romualdez bilang Speaker sa 19th Congress na pormal na magsisimula sa Hunyo 30, 2022.

“Kung hindi magre-resign ang first five nominees ng P3PWD, hindi makakaupo si Rowena. Ang uupo diyan yung first nominee pa rin, hindi si Rowena,” ayon pa sa impormante sa Kamara.

Sa record ng Comelec, ang 5 nominees ng P3PWD ay sina Grace Yeneza, Ira Paulo Pozon, Marianne Heidi Fullon, Peter Jonas David at Lily Grace Tiangco.

(BERNARD TAGUINOD)

218

Related posts

Leave a Comment