PSA MEMBERS SASABAK SA JAPAN

MATAPOS ang mahigit ­dalawang taong kawalan ng kompetisyon, aaksyon ang apat na miyembro ng ­Philippine Squash Academy sa ­Dynam Cup PSA SQ-Cube Open 2022 sa Yokohama, Japan.

Isa itong PSA World ­Challenger Tour men at women event na magsisimula sa Mayo 27 hanggang 29, at ang finals ay gaganapin sa Nobyembre 29, 2022. “Our first international ­competition for the year! Kayod ­Pilipinas heads to Yokohama, Japan to compete in the ­DYNAM CUP PSA SQ-CUBE OPEN 2022,” sabi ni Squash president Robert Bachmann.

Pangungunahan ang Pinoy squad ng no. 1 women’s squash player sa bansa na si Jemyca Aribado, kasama ang tatlo pang teammates na sina Robert ­Andrew Garcia, David Pelino at Reymark Begornia.

Makakalaban ni Aribado si Akari Midorikawa, no. 4 seed sa torneo at makakatapat ­naman ni Garcia ang seeded no.5 na si Naoki Sone. Haharapin ni Pelino si Ziad Ibrahim ng Egypt, habang si Begornia ay kakasa kay Rahul Baitha ng India.

Nagwagi ang Pilipinas squash ng 1 ginto, 2 pilak at 2 tansong medalya noong 2019 SEA Games sa Manila. (ANN ENCARNACION)

95

Related posts

Leave a Comment