DEPED NAGHAHANDA NA SA 100% F2F CLASSES

HANDA na ang bansa para sa “full and nationwide implementation” ng face-to-face classes sa susunod na taon.

Iyon nga lamang ang modalities ay depende sa lokasyon ng eskwelahan.

Sa Laging Handa Public briefing, sinabi ni Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones, may 73.28 porsyento ng kabuuang bilang ng pampublikong eskwelahan ang itinuturing ng kwalipikado para sa in-person learning.

“In the next academic school year, we’re expecting that the face-to-face implementation will be fully 100 percent, but again, I just want to emphasize that the modalities of face-to-face vary in every situation in schools, depending on their local governments,” ayon kay Briones.

“As of May 26,” may 34,238 eskwelahan ang nominado para sa face-to-face classes, may 33,000 sa nasabing bilang ang public schools habang private schools naman ang 1,174.

Sa kabilang dako, ipinaliwanag ni Undersecretary Diosdado San Antonio na sa 100%, ang mga eskwelahan sa buong bansa ay hinihikayat na magkaroon na ng ‘in-person schedules” kabilang na ang “blended learning” setup. (CHRISTIAN DALE)

113

Related posts

Leave a Comment