DISMAYADO ang Department of Health (DoH) dahil lima pang kaso ng Omicron subvariant BA.2.12.1 ang natukoy sa rehiyon ng Western Visayas.
Inihayag ni Health Promotion and Communication Service Director Dr. Beverly Ho sa online briefing ng DOH na ang mga bagong kaso ay mula sa tatlong fully vaccinated na biyahero na bumalik sa bansa (ROFs) mula sa Estados Unidos.
Ang Omicron sub variant ay nakita rin sa dalawang lokal na kaso, na parehong fully vaccinated, ayon pa sa DOH.
Ang limang bagong kaso ay nagdala sa kabuuang bilang ng mga kaso sa 22. Labing-walo sa mga ito ay locally-acquired — dalawa mula sa National Capital Region, 12 mula sa Puerto Princesa sa Palawan, at apat mula sa Western Visayas.
Samantala, ang apat na impeksyon ay mula sa mga ROF na naninirahan sa Western Visayas.
Noong Mayo 17, kinumpirma ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire na natukoy rin ng bansa ang local transmission ng Omicron subvariant BA.2.12.1, kasama ang mga bagong kaso sa rehiyon ng Western Visayas. (RENE CRISOSTOMO)
106