ITATAKDA ng National University ang magiging direksyon ng Final Four ngayon (Huwebes) sa huling elimination day ng UAAP Season 84 women’s volleyball tournament sa Mall of Asia Arena.
Nakadepende ang magiging placing ng Final Four sa resulta ng salpukan ng NU at University of Santos Tomas sa ganap na alas-4:00 ng hapon.
Una rito, maglalaban sa unang game sa alas-10:00 ng umaga ang kapwa eliminated nang University of the East at Far Eastern University.
Susundan ito ng tapatan ng Adamson University at De La Salle University 12:30 ng tanghali.
At maghaharap sa main game sa alas-6:30 ng gabi ang Ateneo de Manila University at University of the Philippines.
Tiyak nang pasok sa kampeonato ang Lady Bulldogs at tanging asam nito ay mapreserba ang imakuladang kartada.
Samantala, importanteng manalo ang ADMU at AdU na ngayon ay tabla (7-6 panalo-talong record) at kapwa puntirya ang pang-apat na puwesto. (ANN ENCARNACION)
253 