PUMALAG SA ‘PALAKASAN’ SA PSI

Ni DENNIS INIGO

NANGAKO ang ina ni 31st Southeast Asian Games gold medalist Chloe ­Isleta na ipaglalaban niya ang karapatan ng kanyang anak at iba pang ­deserving swimmers sa bansa.

Kaugnay nito, ­ibinunyag ng ina ni Isleta na si Gng. Cecil Doromal-Waller ang “palakasan” system sa Philippine Swimming, Inc. na pinamumunuan ni Lani Velasco.

Patunay aniya nito ang pagkakatanggal sa kanyang anak sa national swimming team na sasabak sa FINA World Championship sa Hunyo 19-24 sa Budapest, Hungary.

Ito ay kahit pa si Isleta ang tanging gold ­medalist sa kanilang team sa nagdaang 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, ­Vietnam, nang manguna ang US-educated (Arizona U) sa women’s 200-m backstroke.

Unang ginto ito ng bansa sa swimming sa SEAG, si-mula nang magwagi si Akiko Thomson-Guevara sa 100m at 200m backstroke noong 1993 edition sa Singapore.

Ayon sa ina ng 24-anyos na si Isleta, may dalawang silver at isang bronze medal noong 2019 SEAG, sa kabila ng mga ­sakripisyo ng kanyang anak ay binabalewa ito ng PSI.

“Chloe is really upset. She returned to the US supposed to be to train for the World Championship. She called me and cried as she narrated that PSI president Lani Velasco told her she was out of the national team off for the Budapest meet. Nagulat ako, anong nangyari? Gawa na ang line-up, tapos na ang deadline para sa nomination,” ani Doromal-Waller sa ‘Usapang TOPS’ via Zoom ng Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc., kahapon.

Dagdag ni Doromal-Waller sa sports forum na itinataguyod ng Philippine Sports Commission (PSC), Games and Amusements Board (GAB) at PAGCOR,

Mayo 29 ay naglabas ng memorandum ang PSI na nakalista ang apat na swimmers – Luke Gabbi, Jasmine Alkhaldi, Miranda Renner at Chloe Isleta. Ang deadline sa submission ng nominations sa FINA ay Mayo 15.

“Actually, dito pa lang sa announcement ng PSI may mali na. Nagtataka ako walang umimik dahil hindi dapat kasama sina Jasmine at Miranda, kung ang pagbabasehan ay yung inilabas na criteria na top two men’s and top two women’s lang ang ipadadala sa World Championship.”

Base sa points system ng FINA, ang nangungunang tatlong Pinoy swimmers sa men’s ay sina Luke Gebbie (843), Jonathan Cook (793), at Jerard Jacinto (757). Habang sa women’s ay sina Chloe Isleta (755), Desirae Mangaoang (739) at Jasmine Alkhaldi (722).

“Kawawa ang mga atleta sa ganitong sistema. Si Chloe nga since 2015 pa part ng national team pero until now wala siya sa listahan ng nabibigyan ng allowance from the PSC. Inireklamo ko na ito, but the PSC told me dapat may endorsement coming from the PSI. And what has PSI done? Wala, tapos aapihin pa ang anak ko na parang walang nagawang contribution sa swimming at sa bansa,” sabi ni Doromal-Waller.

“We’re still waiting sa opisyal na memo ng PSI regarding this. But ngayon pa lang ipaglalaban ko ito. Maybe I will talk with the Philippine Olympic Committee, the PSC and the Athletes Commission. Hindi lang sports ang nasisira ng ganitong sistema, kundi ang puso at kumpiyansa ng mga local at deserving swimmers,” giit pa ng ina ni Isleta.

205

Related posts

Leave a Comment