TARGET ng Meralco Bolts na masungkit ang ikalawang panalo sa pakikipagtipan sa Converge FiberXers ngayon (Huwebes) sa pagpapatuloy ng eliminasyon ng 2022 PBA Philippine Cup sa Ynares Center, Antipolo.
Una munang magsasagupa ang nagtatanggol na kampeong TNT Tropang Giga at NLEX Road Warriors alas- 5:15 ng hapon, bago ang salpukan ng Meralco at Converge sa alas- 7:15 ng gabi.
Tinalo ng Tropang Giga sa dramatikong laban ang Converge, 86-83, para iangat ang karta nito sa 2-1 record.
Nalasap naman ng Road Warriors ang una nitong kabiguan sa dalawang laro, sa kamay ng nangungunang San Miguel Beer, 100-92.
At binigo ng Bolts ang Phoenix LPG, 109-98, habang wala pang panalo sa dalawang naunang laro ang FiberXers. (ANN ENCARNACION)
247 